Malaking Pagkakataon
Malaking Pagkakataon
ni: Harvey S. Keh, Abante
http://abante.com.ph/issue/sep2410/op_hk.htm
Hindi ako sang-ayon sa mga pahayag ng ilang mga pinuno natin na hindi ma laking problema ang dala ng jueteng o ilegal na mga pasugalan sa ating bansa. Nasabi ko ito sapagkat kung babalikan natin ang nakaraang halalan, ilan sa mga kandidatong nahalal ay dahil na rin sa laki ng perang ginastos nila upang bumili ng boto. Saan nanggaling ang perang iyon? Sa jueteng. Ilan mga kila lang pulitiko ang nabanggit ni Archbishop Oscar Cruz sa kanyang expose na ginawa noong Martes sa Senado, kabilang na riyan ang mga Pineda ng Pampanga at mga Dy ng Isabela na kapwa tumalo sa dalawang mabubuting pinuno na sina Among Ed Panlilio at Grace Padaca.
Sayang sina Panlilio at Padaca sapagkat maayos at tapat ang kanilang pag lilingkod sa kanilang mga kababayan ngunit dahil lamang sa ilang daang milyong piso na galing sa jueteng ay natalo sila sa halalan. Ilan pa kaya ang mga tulad nina Panlilio at Padaca na mabubuting mga pinuno na naging biktima ng katakut-takot na pandarayang ginawa nitong nakaraang halalan? Sayang ang mga pinunong ito sapagkat kung sila sana ang naupo ay siguradong magandang serbisyo ang maibibigay nila sa kanilang mga kababayan.
Kaya naman napakahalaga na mabigyang prayoridad ni Pangulong Noynoy Aquino ang tuluyang pagsugpo sa lahat ng ilegal na pasugalan sa ating bansa. Nakakatakot isipin na puwede na lamang tayo magising isang umaga at makitang lahat ng ating mga pinuno ay nahalal dahil na rin sa perang bigay sa kanila ng mga jueteng lord. Huwag naman sana tayong maging isang bayan na hawak na sa leeg ng mga kriminal na ito dahil kapag nangyari ito, tuluyan nang mawawasak ang moralidad sa ating lipunan.
Alam naman nating lahat na kapag hinayaang manaig ang mga jueteng lord na ito ay hindi malayong mga drug lord naman ang susunod at sigu radong mamamayagpag na ang mga kriminal sa ating bayan. Ngayon pa lamang ay dapat pakinggan natin si Cruz at suportahan ang kanyang krusada laban sa jueteng.
Malaki ring pagkakataon ito para kay PNoy na ipakita sa ating lahat kung gaano siya katatag sa kanyang paninindigang sumunod at mamuno sa tuwid at tapat na landas. Matatandaan nating binanggit din ni Cruz ang malapit na kaibigan ni PNoy na si DILG Usec. Rico Puno bilang isa sa mga tumatanggap ng jueteng payola buwan-buwan. Bukod pa rito ay si Puno rin ang isa sa mga tinuro ng IIRC sa pamumuno ni DOJ Sec. Leila de Lima na malaki ang naging pagkukulang sa nangyaring hostage crisis noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand. Mainam naman at may plano na nitong si Puno na magsumite ng kanyang courtesy resig nation kay PNoy, ngunit ang tanong ay tatanggapin kaya ito ni PNoy? Dito natin makikita kung anong klaseng pinuno talaga si PNoy at kung kaya ba niyang disiplinahin ang kanyang mga alipores kahit pa ito ay isang malapit na kaibigan.
Malaki pa rin ang tiwala ng taumbayan sa pamumuno ni PNoy ngunit sana ay huwag naman niyang sayangin ang tiwalang ito at ang magandang panga lang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang dahil lamang sa pagbibigay ng proteksyon sa kanyang mga malalapit na kaibigan.
Para sa inyong mga komento, mag-text sa 0919-9575444.
